This site uses cookies. By continuing, your consent is assumed. Learn more

144.3fm shares

Pagdating ng unang karagdagang pwersa ng mga amerikanong

opinion

Laking gulat ko nang makatanggap ng tawag mula sa isang kaibigan, nasa pahayagan raw ang aking pangalan at nagwagi ako sa naturang paligsahan. Nang mabalitaan ko ito, agad-agad kong sinadya ang tanggapan ng Southeast Asia Airlines Seair upang kunin ang aking pabuya: Kung hindi ko ito napanalunan, ito ay nagkakahalaga ng P16, Kailangan kong ipaalam sa kanila ang aking mga balak upang maisama ako sa bilang ng mga pasahero.

Bigla akong nanlumo, kung maaari lamang ibalik ang adventure pass upang mapagplanuhan kong maigi ang lahat at upang makapagyaya ng mga makakasama. Masyado akong nasilaw sa aking pabuya. Ipinaalam ko sa lahat ng aking kaibigan ang aking premyo.

Tulad ng aking inaasahan, natuwa sila para sa akin at nainggit na rin. Niyakag ko silang samahan ako sa aking paglibot sa Pilipinas. Subalit hindi sila pwede. Kahit isang destinasyon lamang, hindi rin maaari. Ito na ang pagkakataon kong masilayan ang kagandahan ng mga inaasam kong destinasyon tulad ng Caticlan, PalawanBatanes at Camiguin, subalit hindi ko naman magagamit. Ang masaklap pa, hindi ako agad-agad makakapagbiyahe sapagkat baguhan lamang ako sa kumpanya noon, hindi pa maaaring lumiban.

Bukod pa rito, nataon ang aking pagkapanalo sa aking aplikasyon bilang graduate student sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman noon. Kailangan akong maging libre sa loob ng susunod na dalawang linggo para sa aking nalalapit na pagsusulit at kapanayam.

Nataon rin na may sira ang aking kamera nang sandaling iyon. Para sa akin, hindi kumpleto ang biyahe kung walang litrato ng mga Pagdating ng unang karagdagang pwersa ng mga amerikanong at mga pagkaing masusubukan ko! Hindi ko napigilang isipin na posibleng hindi ito para sa akin. Taliwas naman dito ang pananaw ng kaibigan kong si Mark. Sa dinami-rami ba naman ng sumali sa paligsahan na iyon, ako pa ang napili.

Hinihikayat niya akong magbitiw sa aking tungkulin upang masulit ang aking adventure pass. Ganoon din daw kasi ang gagawin niya kung siya ang nasa kalagayan ko. Tulad ng iba kong kaibigan, hindi niya kayang bumili ng adventure pass. Subalit sagana siya sa mga mungkahi, sa kanya ko nakuha ang ideyang mag- tent na lang upang makamura.

Wala rin naman akong ipon. Dumating pa nga sa punto na nakiusap ako sa tagapangasiwa ng Seair upang bigyan si Mark ng Pagdating ng unang karagdagang pwersa ng mga amerikanong upang may makasama ako at binida ko ang kakayahan niyang manghimok at ang kanyang malawak na network.

Sumang-ayon naman ito subalit kulang pa rin ang sampung porsyentong diskwento para kay Mark. Nang matapos ang aking pag-aasikaso para sa aking pagbabalik-eskwela, naging madali ang desisyon kong tumulak mag-isa.

Nagtungo ako sa tanggapan ng Seair upang ipalista ang aking paglipad. Itinaon ko ito sa aking rest days sa opisina, ika-labingtatlong araw mula nang maangkin ko ang premyo.

Dahil sa reklamasyon ng lupa...

Uuwi rin ako ng hapon kinabukasan para makapasok sa opisina kinabukasan. Nagitla naman si Mark nang mabalitaan ang aking hangaring magtungo sa isla mag-isa.

Lalo na kung ito ang aking unang pagkakataong magsadya roon. Tulad niya, pag-aalala rin ang naging reaksyon ng iba kong kaibigan. Alam kong mapanganib ang aking layunin subalit sayang naman ang adventure pass kung hindi ko gagamitin.

Hindi rin naman sumagi sa isipan kong ibenta ito sa iba. Nagtanung-tanong ako sa mga nakapunta na sa Boracay upang ihanda ang aking sarili.

SUBSCRIBERS

May nagsabi sa akin na para lang itong Puerto Galera, pagdating ko sa isla, maraming mag-aalok ng kwartong matutulugan. Samantala, si Mark pala ay hinagilap ang kanyang kaibigang si Alex upang hanapan ako nang matitirahan. Nakabase siya mismo sa isla. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ukol dito.

Nakakataba ng puso na may kaibigan akong gagawa ng paraan upang masiguro ang aking kaligtasan.

Pero tila nabawasan ang misadventure na nag-aabang sa akin. Inisip ko na lang na manggagaling ako sa magdamagang trabaho at mahaba-habang biyahe kaya isang ginhawa na rin na may agad akong matutuluyan. Nang lumapag na ang eroplano sa maliit na paliparan ng Caticlan, nadaig ng kasabikan ang aking agam-agam.

Nabiyayaan akong makaupo sa tabi ng bintana kaya naman kitang-kita ko ang makapigil-hiningang Pagdating ng unang karagdagang pwersa ng mga amerikanong mula sa himpapawid. Natuwa rin ako na diretsong Caticlan ang biyahe ng Seair. Hindi ko marahil matatagalan ang inip kung sa Aklan pa at may dalawang oras pang biyahe patungo roon. Hindi ko alam kung saan ang labasan mula sa paliparan kaya naman sumunod na lang ako sa mga pasahero. Nang mapansin kong ang mga kapwa ko pasahero ay may mga pribadong sasakyan bilang sundo, nagtanong na ako sa mga taong nag-aabang doon.

Hindi naman ako mahiyain pagdating sa pagtatanong, lagi kong naaalala ang biro kung bakit umabot ng apatnapung taon ang Exodus ng mga Israelita: Tinuro nila ako sa sakayan ng mga traysikel.

Dadalhin raw ako nito sa pantalan. Naaliw ako sa aking nakita. Mas mahaba at mas maraming tao ang kayang isakay ng traysikel nila. Dalawa sa tabi ng tsuper, apat naman ang kayang umupo sa likod.

Abot hanggang labing-isang tao ang kaya nitong isakay! Nang matunton ko ito, nagpadala ako ng mensahe kay Alex na malapit na ako sa isla. Pumila na ako upang bumili ng tiket para sa bangka. Hiwalay pala ang pila para sa mga lokal at sa mga dayo.

Pinasagot nila ako ng isang sarbey na naglalayong alamin ang aking profile at paraan at dalas ng pagtungo sa Boracay. Nakatanggap ako ng mensahe kay Alex, nasa isla pa raw siya. Ihahatid niya pabalik ang kanyang bisita kaya hintayin ko Pagdating ng unang karagdagang pwersa ng mga amerikanong siya.

Nagulat naman akong susunduin niya pa ako sa pantalan. Kaya naman tumambay muna ako sa pantalan. Tulad ng mga nababanggit sa akin kapag nagpapakuwento ako sa aking mga kaibigan ukol sa kanilang karanasan sa Boracay, marami ngang mga banyagang dumarayo rito.

May napansin akong mga pamilyar na mukha, isa na roon ang isang tagapamahala ng isang resort ng White Beach sa Puerto Galera. Ang iba ay tila nakasabay ko nang mag-ehersisyo sa gym. Marami-rami pa rin pala ang nagtutungo rito kahit tapos na ang tag-araw. Ganoon siguro kaganda roon. Lalong sumidhi ang aking pananabik. Atat na akong lumangoy, maglibot at magpa- tan!

News feed